NASA labas ng Basilica Minore ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila ang mga deboto para dumalo sa misa ngayong Linggo ng umaga. Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, hindi muna papagayan ang public religious activities sa lahat ng simabahan ng Archdiocese of Manila mula Agosto 3 hanggang 14 bilang suporta sa panawagan ng medical community na isailalim sa istriktong enhanced communitu quarantine ang Metro Manila. (kuha ni NORMAN ARAGA)
INIHINTO muna ng Archdiocese of Manila ang lahat ng kanilang public religious activities simula Agosto 3 hanggang 14, bilang tugon sa panawagan ng mga health workers na isailalim sa istriktong enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa patuloy na pagdami ng bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases.
Ito ang inanunisyo ni Bishop Broderick Pabillo sa isang pastoral instruction noong Sabado.
“All churches and shrines under the Archdiocese of Manila will revert to the period of the [enhanced community quarantine] ECQ protocols,” wika ni Pabillo.
Bagama’t nabanggit ni Pabillo na tuloy ang online religious activities.
“We will also use this time to evaluate our church response to the pandemic and see how we can improve them,” dagdag ni Bishop Pabillo.
“We understand that they call for this not only for their own respite, though they truly need one,” wika pa ng bishop.
“We echo their call that each individual and each family take seriously the health protocols to keep safe, such as the proper use of face masks, the required physical distancing, the frequent hand washing, and not going out of the house unless truly necessary.”
Nanawagan ang lahat ng iba’t ibang medical group noong Sabado sa pamahalaan na isailalim ang Metro Manila sa ECQ status sa loob ng dalawang linggo.
Ayon naman kay Palace spokesman Harry Roque na pinag-aaralan na ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Disease ang concern ng mga health worker.
More Stories
P10.4M Confidential fund nawawala… VP SARA SWAK SA ASUNTO – REP. LUISTRO
PILIPINAS NAGHAHANDA NA PARA MAG-HOST SA FIVB 2025 MEN’S WORLD
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO