ARESTADO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong suspek na sangkot sa pamamaril at pagpatay sa dalawang katao, kabilang ang isang tanod sa Quezon City, habang isa pa ang sugatan.
Sa isang press briefing na isinagawa sa QCPD headquarters sa Camp Karingal, iprinisinta ni QCPD Director Brig. Gen. Redrico Maranan ang mga suspek na sina Ricardo Lucas Jr., 44; Enrile Tambaoan, 40, at ang live-in partner nito na si Jenny Joy Roldan, 31.
Nahuli ang tatlo sa follow up operations ng mga tauhan ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) dahil sa pagpatay pagpatay kina Pelagio Cabaddu, 43, residente ng Barangay Sauyo, at Barangay Public Safety Officer Cornelio Nuval Jr., 57.
Ayon kay Maranan, lumalabas sa imbestigasyon na nag-ugat ang pamamaslang nang ireklamo ng mga kapitbahay ang pagbi-videoke ng mga suspek bandang alas-10:30 ng gabi nitong Martes.
Sinita ng mga tanod ang mga suspek na diumano ay nag-videoke saka bumalik sa barangay satellite office.
Ikinagalit ng mga suspek ang paninita kaya napagdiskitahan ni Tamabaoan ang pamangkin ni Pelagio na si Angel Cabaddu.
Nakita ni Pelagio ang pananakal ni Tambaoan kay Angel kay sinaklolohan niya ito subalit binaril ito ni Lucas sa likod.
Sumunod namang binaril ni Lucas si Nuval at isa pang tanod na rumesponde sa lugar.
Nahaharap sa kasong murder at illegal possession of firearms and ammunition sina Tambaoan at Lucas habang illegal possession of firearms naman si Roldan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA