November 23, 2024

Isko sa mga residente: Suportahan ang mga negosyo sa Maynila

NANAWAGAN si Mayor Isko Moreno sa mga residente ng Maynila na suportahan ang mga negosyo na nakabase sa siyudad upang matulungan ang mga ito na muling makabangon.

Sa kanyang live broadcast, pormal na ininderso ni Moreno ang programa na kinonsepto ni Bureau of Permits and License Office (BPLO) chief Levi Facundo na tinawag na “Buy Eat Drinks Shop Support Local#BagongMaynila.”

Pinasalamatan at pinuri ng alkalde si Facundo “para sa pagsisimula ng naturang programa na pakikinabangan ng mga local na negosyo sa siyudad ng Maynila at makalikha ng maraming trabaho para sa mga taong labis na naapektuhan dulot ng pandemya.

Hinikayat ni Moreno sa mga residente na kumain, uminom, mag-shopping at bumili ng kanilang mga pangangailangan sa mga establisyemento na nakabase sa Maynila imbes na pumunta sa ibang siyduad, upang suportahan ang kapwa Manilans.

“The charity should begin at home and that if the residents would patronize establishments located in their own city, they will, in effect, be helping the city government to whom the establishments pay their taxes and other financial obligations,” wika ng alkalde.  

“Taxes are the lifeblood of any government and that from these and other fees paid to the city, programs that redound to the benefit of all residents, including those who patronized the business establishments, are duly funded,” dagdag pa niya.

Saad naman ni Facundo na may 50,000 registered business establishment ang tumatakbo sa siyudad at pinasalamatan ang alkalde sa ipinapakita nitong suporta sa programa na ang layunin ay buhayin ang negosyo sa siyudad na nasira ng pandemya.

Ang lokal na pamahalaanm, sa utos ni Moreno, ay gumugol ng malaking halaga ng bahagi ng badyet nito sa paglaban sa COVID-19, na napagaan kahit papaano ng mga donasyon na galing sa taong nagtitiwala at sumusuporta para sa mga ginagawa nitong hakbang upang pigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Samantala, sinabi rin ni Moreno na tinitignan ng lungsod ang paglalaan ng P200 milyon para sa hinaharap na pagkuha ng bakuna para sa COVID-19 sa sandaling maaprubahan at magamit na ang mga ito. Ang badyet ay kukunin mula sa 2021 budget ng siyudad.