September 28, 2024

‘Di feel ng AlDub ang pagbabalikan… ALDEN RICHARDS, TANGGAP ANG PAGBABALIK NI LOUISE DELOS REYES SA GMA-7

CONFIRMED na this coming August 10, 2020, ay mapapanood na sa GMA-7 Kapuso Network ang pinaglaban na pag-iibigan nina Tisoy at Elize o Alden Richards at Louise Delos Reyes na may titulong ‘One True Love.’ Tumatak sa puso ng mga Pilipino ang pagmamahalang ito nina Elize at Tisoy, kaya muli ninyo itong mapapanood.

“Masaya ako dahil muli nilang mapapanood ang ‘One True Love.’ Talaga namang sinubaybayan nila iyang teleserye namin na iyan ni Louise Delos Reyes. Sayang nga dahil hindi na nasundan pa iyan, kaya nang malaman kong muli itong mapapanood ay ang saya-saya ko talaga. Sana panoorin nila, para madala sila sa pag-iibigan nina Tisoy at Elize,” saad pa ni Alden Richards.

Well, ang AlDub ay mukhang hindi nila feel na muling buhayin ang loveteam nina Tisoy at Elize dahil baka nga naman isa itong paraan para muling papaglayuin sina Maine Mendoza at Alden Richards. Kaya hindi nila feel na buhayin muli ang loveteam nina Louise at Alden. At ayaw din nilang maapektuhan ang gumagandang relasyon nina Maine Mendoza at Alden Richards.