NANGAKO si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara, na ipamamahagi bago matapos ang Setyembre ang learning materials ng ahensiya na ‘natengga’ lang sa mga warehouse simula 2020.
Ito ang sinabi ni Angara sa House panel on appropriations nitong Lunes, Setyembre 20, nang idepensa niya ang P793-billion 2025 proposed budget ng kanyang departamento.
Si Angara ang pumalit kay Vice President Sara Duterte bilang DepEd Secretary noong Hulyo 19.
Ani ng education secretary, nagulat siya nang malaman na P1.5 milyon na items ng DepEd, kabilang ang mga laptop at libro, ay apat na taon nang hindi naipamamahagi. “Nagulat ako na four years old na po ‘yung mga gamit roon since 2020 pa po. So, we contacted the Air Force and others to help us remove them from warehouses,” ani Angara.
Natalakay sa budget hearing ang undistributed learning materials nang tanungin ni ACT Teachers Representative France Castro ang DepEd tungkol sa status ng computerization program nito, na kinabibilangan ng pamamahagi ng mga laptop at computer sa mga guro.
“Can the DepEd please update us on the status of its various computerization programs? So alam ko may mga delays, according dito sa COA report. So puwede po bang magbigay [ng update], particularly po ‘yung DCP [DepEd Computerization Program], nakalagay dito letter A, delay, non-delivery, and inefficiency of third party logistics services provider?” ayon kay Castro, na binanggit ang COA report sa DepEd noong 2023.
Ang tinutukoy ni Castro ay ang logistics firm na Transpac na kinontrata ng DepEd para sa pamamahagi ng mga learning materials nito. Noong 2023, inilathala ng Rappler ang isang investigative report na nagpapakita na may P3 bilyong halaga ng learning materials ang na-hostage dahil sa hindi pagbabayad ng warehousing fee sa nasabing logistics firm. Ilang araw matapos mailathala ang ulat ng Rappler, pinayagan ng Transpac ang DepEd na kolektahin at kuhanin ang mga na-hostage na learning materials mula sa mga bodega nito.
Sa House budget hearing, sinabi ni DepEd Undersecretary Omar Romero na 90% ng materials ang na-pull out at ang natitira ay nasa bodega sa Carmona ng nasabing logistics supplier.
Ang administrasyon ni dating education secretary Leonor Briones ang pumasok sa P667-million logistics agreement sa Transpac. Ngunit ang pagpapadali at pagpapatupad ng kasunduan ay nag-overlap sa administrasyon ng Bise Presidente.
Ayaw ipamahagi ng logistic firm dahil sa hindi pa nababayarang warehousing fees. Pero sabi ni noo’y DepEd spokesperson Michael Poa na hindi nila binayaran ang Transpac dahil hindi pa nito ipinamamahagi ang materyales sa mga benepisyaryo.
Ayon sa DepEd-Transpac contract na nakalagay sa website mismo ng ahensiya, na ang “logistic services” kabilang ang warehousing, ay bahagi ng kasunduan.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY