BILANG pagpapakita ng pinalakas na partnership sa pagitan ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture, nagsagawa ang BOC-Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at DA Officers ng joints inspections na nagresulta sa pagkakaharang ng mga kargamento ng agricultural products na walang Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) mula sa Bureau of Animal Industry (BAI), Bureau of Plant Industry (BPI) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Nag-isyu si BOC-NAIA District Collector Yasmin Mapa ng warning sa sariwang beef at meat importers upang makakuha ng kinakailangan ng permits. “We will continue to bolster the BOC’s border protection efforts against smuggling and other illicit activities.”
Bukod sa mga sariwang karne ng baka at manok, nakumpiska rin sa dayuhan ang ilang dosena ng itlog, nga prutas at kilo-kilong isda.
Ang mga nasamsam na produkto ay nai-turn-over na sa BAI, BPI, at BFAR para sa tamang pagtatapon.
Layon nito na hindi na kumalat pa sa merkado dahil sa potensyal na panganib sa kalusugan ng publiko. (ARSENIO TAN)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY