ITUTULOY ng Manibela ang plano nila na tatlong araw na nationwide transport strike simula sa Miyerkules.
Ayon kay Manibela president Mar Valbuena, lalahok sa kanilang isasagawang protesta ang kanilang mga miyembro sa mga probinsiya laban sa paggiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad ang Public Transport Modernization Program (PTMP).
“Magmula sa po Baguio, pababa ng Pangasinan, Central Luzon, sa Ilagan at Cauayan sa Isabela, CALABARZON, Western Visayas, Central Visayas sa Cebu at Lapu Lapu, Ormoc, Tacloban, Catbalogan, Iligan Butuan, Cagayan de Oro City, Sarangani and Davao City po,” saad ni Valbuena na tinukoy ang mga lalahok na rehiyon.
“Siguro dadami pa po ito sa mga darating na araw. Sangayon walng tigil ang kaliwat kanang meeting ng mga heads sa regions po.”
Dagdag ni Valbuena, makikipagpulong rin sila sa mga lider ng Piston. “Maguusap din kami ng mga kasama sa Piston para pareho kaming magkasama sa mga susunod na araw,” ayon sa pinuno ng Manibela.
Ayon kay Valbuena, sisimulan nila ang kanilang protesta sa Welcome Rotonda sa Miyerkules ng alas-6:30 ng umaga. Ang kanilang mga miyembro ay magmamartsa patungo sa Mendiola.
Aniya pa, na inurong nila ang kanilang tigil-pasada sa Miyerkules, upang bigyan ng sapat na oras ang kanilang mga miyembro para makapaghanda.
“Medyo ipit kasi Thursday kami nag-announce ng tigil pasada, para ang mga miyembro natin hindi magpanic. ‘Pag ganyan may kasamang pananakot galing sa gobyerno. Alam nating karamihan sa ating mga kasamahan ay nabu-bully sa mga regional office ng LTFRB na inipit po sila,” aniya.
Dagdag pa niya, nakapag-apply na rin sila ng permit para sa kanilang isasagawang protesta.
“Lagi naman kaming nagaapply ng permit kaya lang ang nangyayari ay hindi naman kami inaaprubahan. Hindi naman naming alam kung anong dahilan… Pagka ‘yung ibang grupo pag may permit, ineescortan pa ng goyerno nagiging spokesperson pa nila ang chairman ng LTFRB.”
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM