HINDI nakakaalarma pero kaduda-duda ang presensiya ng mga Chinese sa tuwing nagsasagawa ang Pilipinas ng maritime cooperative activity (MCA).
“We monitor their presence there while we conduct the maritime cooperative activity. It is not alarming but their presence is dubious. Kaduda-duda ang kanilang presensya,” ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, navy spokesperson for the West Philippine Sea.
Noong Enero, namonitor na binubuntutan ng China Coast Guard at People’s Liberation Army Navy (PLAN) vessels ang tatlong Philippine Navy ships na nagsasagawa ng joint maritime air exercise kasama ang US ship 0 ang kauna-unahang Philippine-US MCA ngayong taon.
Sa isang MCA noong Pebrero, muling nagpakita ang Chinese vessels sa joint maritime patrols sa pagitan ng US at Pilipinas. Bagama’t hindi ito nagsagawa ng illegal na pagmamaniobra, na-detect naman ang PLAN ship na minamanmanan ang MCA participating vessels.
Naispatan din ang Chinese ships sa nangyaring multilateral MCA kabilang ang mga vessels ng Pipilinas, US, Japan at Australia noong Setyembre.
Kinumpirma rin ni Trinidad na mayroon ding presensiya ang Chinese na minomonitor ang MCA sa pagitan ng Pilipinas at Japan, na isinagawa sa Northern Luzon Command areas nitong buwan lamang.
Samantala, wala namang napaulat na Chinese na namataaan sa isinagawang MCA sa pagitan gn Pilipinas at United States sa Western Command area. “In the Japanese and Philippine Navy activity here were two PLA Navy warships that were in the vicinity of the exercise close to our ships within 5 to 8 nautical miles. [But] in no way do they interfere with our MCA or whatsoever,” ayon kay Trinidad.
More Stories
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY
PAGSISIKAP NG MARCOS ADMIN SA DIGITAL LITERACY NG MGA MATANDA, WELCOME KAY TIANGCO