BUMALIK sa Pilipinas ang sikat na NBA player na si Los Angeles Lakers’ star guard Austin Reaves na naging posible sa imbitasyon ng Arena Plus.
Ang Arkansas native,26 -anyos na playmaker sa NBA at miyembro ng nakaraang taong Team USA sa FIBA World Cup 2023 na ginanap sa Manila ay buong kagalakan niyang ipinahayag ang kanyang mistulang homecoming dito sa basketball -loving nation na mga Pilipino.
Narito si AR 15 upang iendorso ang Arena Plus Rigorer Ph shoes na sinimulan kamakalawa sa Courtside Takeover media conference sa Taguig City .
“It feels like home.The Filipinos are big sports fans.They know the sport really well so partnering with Arena Plus is like connecting back with everybody,” wika ni Reaves na hanggang ngayon ay naalala pa niya ang chant na “Austin” ng avid Filipino fans noong nakaraang taong FIBA World Cup.
Ang Arena Plus ay nagsisilbing partner ng PBA at Gilas Pilipinas partikular noong FIBA WC ’23 at ngayong Paris Olympics ’24.
“We believe in Austin’s dedication and professionalism as the leading sports entertainment app in the country.We always choose the best” wika ni Total Gamezone Xtreme Inc. ( Arena Plus) president Rafael Jasper Vicencio sa press conference kasama ang business representative ni Reaves na si Matthew Reilly.
“With Austin, we’ll be able to level up the appreciation of sports especially for the basketball and NBA fans in the country.Thank you Austin for making this incredible milestone possible.We look forward to working with you on more projects to come”, ani pa Vicencio. (DANNY SIMON)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA