ISANG matamis na welcome victory ang inihandog ng tropang slashers/ sealions sa pagdating mula sa paglalayag para kay team top brass Jemuel Laron matapos silang umiskor ng buwenamanong panalo sa pagpapatuloy ng 2024 SLA Sinag Lakas Kalibre 45 eliminations kamakalawa sa JIL Gym, Bocaue, Bulacan.
Naungusan ng Slashers Sealions ang SPMamba X Razon 75-68 na nagmula sa dikdikang laban na ayaw mag-iwanan habang bentahe ang SPM sa loob ng 3 quarters at nakahabol ang 3H’ers sa mga krusyal na sandali ng laban.
Topscorer para sa tropang slashers/ sealions si Noel Bongas sa kanyang 13 puntos kasunod si Jay Valdez na may 12 pts. habang si Edwin Lagayada na may 11 puntos ang siyang tinanghal na best player dahil sa impresibong all- around performance niya from both sides of the court.
Katuwang din sa dikitang panalong laban na may 9 lead changes, 2 deadlocks at high percentage sa foul shots(63.9% sa H3 JC2 Sealions- 48.2 sa SPM) sina Michael Contreras, Alden Pocafranca,Michael Lozano, Erick Gallardo, Mark Gil Cachaero, Joel Orencia , Jeff Punzalan at playing team owner Laron.
Nanguna para sa losing cause ng San Pedro sina Mark Lester Berroya(12), at Robert Altejos(11).
Ang H3 JC2 (Architect Jayzee Gudelano Celestial)Slashers Sealions ay sa timon nina coaches Danilo Billones, Daniel Martinez,Ronnie Zagala at Bong Piedad.
“Magandang salubong na panalo ito mula sa ating Sealions/ Slashers. Wish ko tuluy-tuloy na ang senyales ng ating winning tradition, “pahayag sa panayam ni Laron.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY