NAGBABALA ang Commission on Higher Education laban sa pekeng scholarship application announcements.
“There is NO current call for SIKAP applications for 2024,” the CHED stressed sa gitna ng kumakalat na “fake news” sa online para sa aplikasyon sa Scholarship for Instructors’ Knowledge Advancement Program (SIKAP) para 2024.
Nagbibigay ng oportunidad ang SIKAP para sa Higher Education Institution (HEI) teaching and non-teaching personnel, o former HEI teaching o non-teaching personnel na naghahanap ng advance studies sa mga kilalang universities at colleges sa Pilipinas.
Saklaw ng grant ang actual tuition at school fees, kabilang ang P37,000 living allowance per month sa mga scholars na nag-undertake ng Master’s Degree, P50,000 living allowance para sa mga kumukuha ng Doctorage Degree, P24,000 book allowance per school year at P24,000 transportation allowance, at iba pa.
Payo ng CHED sa publiko na magtungo sa CHED official website sa ched.gov.ph at official Facebook page ng CHED sa facebook.com/PhCHED.gov para sa anunsiyo.
Maari ring kontakin ng mga kababayan natin ang kanilang mga CHED Regional Office o bisitahin ang ched.gov.ph/sikap para sa inquiries.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM