HINAMON ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Kingdom of Jesus Christ (KJC) founder Apollo Quiboloy para harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya.
Reaksiyon ito ng Pangulo matapos, hingan ng reaksiyon kasunod ng pagbibigay ng P10 million reward kapalit ng kaniyang ikadarakip.
Tila nainis ang Pangulong Marcos sa pag kwestiyon ni Quiboloy sa kanilang motibo.
Giit ng Presidente na sinusunod lamang nila ang batas kaya magpakita siya.
Kinukwestiyon din ng Pangulo ang motibo ni Pastor Quiboloy na dapat ito sumunod sa batas.
Ayon sa Presidente, ang alok na pabuya mula sa private sector ay hindi masama dahil nais lamang ng mga ito tumulong sa gobyerno.
Binatikos kasi ng kampo ni Quiboloy bakit tumanggap ang gobyerno ng donasyong pera para sa kaniyang ikadarakip.
Si Quiboloy ay inakusahan ng child abuse, human trafficking at iba pa na kaniyang itinatanggi.
Una ng inihayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na alam niya kung saan nagtatago si Quiboloy subalit ayaw niya itong ibunyag.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA