BAGAMA’T napigil ng sungit ng panahon dulot ng bagyong Aghon, itutuloy na ang hatawan at pambungad seremonya ng prestihiyosong Liga Baseball Pilipinas (LBP) Tingzon Cup sa darating na Linggo sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.
Ang naturang liga na pinagtulungang itatag ng mga respetadong businessmen/sportsmen at stakeholders sa pangunguna nina LBP Chairman Anando “Wopsy Zamora, President Jose “Pepe Muñoz , Executive Director Rodolfo ‘Boy Tingzon sa suporta ni PABA President Joaquin ‘ Chito Loyzaga ay ihahataw ang ang naudlot na doubleheader na iaanunsiyo pa ang pairing kung saan ang first game ay hahataw saktong ika-8 ng umaga at angbsusunod na bakbakan ay papalo dakong ala-una ng hapon onward.
Sa pagitan ng kambal na eksplosibong bakbakan sa diamond ay ipaparada ang mga koponang kalahok sa pambungad seremonya na tatampukan ng pagdalo nina PH baseball president Loyzaga at Philippine Sports Commission Chairman Richard Bachmann bilang mga panauhing pandangal ng kauna-unahang commecial baseball league sa bansa.
“Brace for the coming Baseball Mania in Manila. ‘Di na ito mapipigilan pa dahil maganda ang panahon sa darating na weekend,” optimistikong pahayag ni Zamora.
Ang mga koponanang kalahok ay kinabibilangan ng IPPC Hawks, Samurai U-18, Thunderz at Dumaguete, KBA Stars, UST Tigers, Ateneo Blue Eagles at ang newly crowned UAAP champion NU Bulldogs. Ang inaugural na season ng LBP ay tinaguriang Tingzon Cup bilang parangal sa maalamat na baseball leader noong kanyang panahon na si Rodolfo Tingzon Sr. ng Manila Bay Baseball League.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA