November 19, 2024

KASONG KRIMINAL LABAN SA NEGOSYANTENG CHINESE NA INIREKLAMO NG KIDNAPPING, ISINAMPA NG DOJ SA KORTE

PINASALAMATAN ng isang Chinese businessman na biktima ng kidnap-for-ransom (KFR) ang Department of Justice (DOJ) matapos tanggihan ng DOJ ang hiling ng suspek na kanyang dating business partner na madismis ang kanyang reklamo.

Ayon kay Lin Xiaoqing, o‘Eric Lim,’ bagaman hindi pumabor ang DOJ sa kasong kidnapping for ransom at serious illegal detention laban kay Richard Lim, napatunayan ng DOJ na hindi gawa-gawa  ang kanyang salaysay.

Sa resolusyon noong Pebrero 27, 2024 na aprubado ni Prosecutor General Benedicto Malcontento ngunit kailan lang isinapubliko ang kopya, tinanggihan ng DOJ na idismis ang reklamo laban kay Richard Lim  at sa halip ay kinasuhan ng grave coercion sa Branch 115 ng Taguig Metropolitan Trial Court.

Paliwanag sa resolution bagaman kulang ang mga elemento ng KFR na inilatag ng biktima, dapat pa ring litisin si Lim dahil may sapat na pruweba  upang panagutin siya sa kasong grave coercion.

Sa reklamo ní Lin,  nasa bakasyon siya sa isang beach resort sa Batangas noong Agosto 19, 2022 nang dukutin,  nakalaya lang  siya nang magbayad ng P100-milyon ransom  kay Richard Lim at ibigay  sa suspek ang kontrol sa Big Emperor Technology na pag-aari ng biktima, Hulyo 27, 2023,  ídínulog  ni Lin ang reklamo sa DOJ halos isang taon matapos siyang kidnapin

Itinanggi ni Richard Lim ang akusasyon, inaresto aniya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Lin at ikinulong sa istasyon ng CIDG sa Taguig City  dahil sa kasong qualified theft sa korte sa Pasay City

Si Richard Lim ay nagpiyansa ng P36,000.00, babasahan ng sakdal si Richard Lim ng Branch 115 ng Taguig Metropolitan Trial Court sa Hunyo 3, 2024.