November 24, 2024

PVL: SEMIS SPOT SINAKMAL NG CHERY TIGGO

NAKUHA ng Chery Tiggo ang ika-pitong sunod na panalo sa PVL All-Filipino Conference upang masiguro ang ticket sa semifinals.

Pinataob ng Crossover ang higanteng Galeries Tower, 26-24, 23-25, 19-25, 25-12, 15-9, ngayong araw sa PhilSports Arena.

Matikas ang laro ni Eya Laure na humataw ng 20 puntos mula sa 15 attacks at 5 blocks.

“Mapapa-thank you Lord ka na lang sa game kasi nga anybody’s game. Kami nag-habol. At least sa dulo tumama yung adjustment namin,” ani coach KungFu Reyes.  “Luckily, may nag-step up. Unstable yung galaw ng wing spikers namin. Yung respeto na binigay namin sa Galeries, talagang binigay namin. Talagang nag-prepare kami para rito.”

Nakatuwang ni Laure si Ara Galang na kumana ng 12 puntos, mula sa 12 attacks, habang tumulong sa opensa ng Chery Tiggo si Alina Bicar na may 16 excellent sets.

Ibinuhos naman ni Libero Jenniefer Nierva ang kanyang depensa na may 11 excellent digs tulad ni Laure na mayroong ding 18 excellent receptions.

“It was actually a challenge that we have to really overcome together kasi may mga games talaga na parang we’re not there eh. But we have to be there and present and fight anyway. Diba?” masayang pahayag ni Crossovers captain Aby Maraño. RON TOLENTINO