IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bigyan ng isang buwang palugit ang e-bikes at e-trikes, gayundin ang tricycles bago tuluyang ipatupad ang pagbabawal sa kanila sa national road.
“Ngayong araw na ito, iniutos ko sa MMDA at sa lahat ng lokal na pamahaalan sa Metro Manila na bigyan ng palugit ang mga e-bikes, e-trikes, at iba pang apektadong sasakyan na dumadaan sa ilang tukoy na daan sa Metro Manila. Kailangan pang magbigay ng sapat na panahon para sa malawak na pagsisiwalat ng impormasyon hinggil sa ban na ating ipinapatupad,” post ni Marcos sa “X” (dating Twitter).
Ayon sa Pangulo, hindi muna dapat tiketan o pagmultahin ang e-bike at e-trike drivers. Dagdag pa niya hindi dapat i-impound ang kanilang sasakyan sa panahon ng ibinigay na palugit.
Sa pagkakataong harangin man ang mga ito, dapat ay para lang ipaalam ang mga alternatibong ruta at paalalahanan ang mga motorista sa bagong patakaran upang mapalakas ang kaligtasan at kaayusan sa mga lansangan.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY