ITINANGGI ng isang mataas na opisyal ng pulisya na hindi niya kaano-ano ang isang motorista na nagpakilalang pamangkin niya matapos mahuli sa kahabaan ng restricred-access EDSA busway.
Nasita ang nasabing motorista matapos dumaan sa special bus lane, na nakuhanan ng video na nagsasabing si Police Maj. Gen. Mario Reyes ay kanyang tiyuhin at sinasabing isa ring major ng Armed Forces of the Philippines.
“I want to make it clear that this person who introduced herself as Major Miguel of the AFP is not a relative by blood nor by affinity. I never met her in any capacity,” ani Reyes, hepe ng Philippine National Police Directorate for Logistics.
Tumanggi rin ibigay ang lisensiya ni “Major Reyes”, na nagsasabing isang Filipino American na sumabak sa taunang Balikatan exercises sa pagitan ng tropa ng Pilipinas at Amerika.
“Any attempt to exploit the name or reputation of a law enforcement officer for personal gain or to avoid accountability is utterly unacceptable and undermines the integrity of our organization,” saad ni Reyes.
Ani pa ni Reyes, dapat maglabas ang government agencies ng show-cause order – na maaring mauwi sa suspensiyon o pag-revoke sa driver’s license – at imbestigahan ang motorista para sa posibleng kaso ng usurpation of authority dahil sa pagpapanggap na military officer.
“I am now talking with my lawyers for the filing of appropriate charges against the name-dropper Major Miguel,” sabi pa niya.
Itinanggi rin ng AFP na walang “Major Miguel” na miyembro ng militar.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA