November 24, 2024

7-year title drought sa US PGA title pinatid; Thompson, champ sa 3M Open

WASHINGTON (AFP) – Napatid ni American Michael Thompson ang seven-year US PGA title drought nang sungkutin ang kampeonato sa 3M Open sa idinaos sa TPC Twin Cities sa Blaine, Minnesota.

Bumuslo ng dalawang birdies sa huling three holes (two strokes) upang kunin ang titulo. Impresibo ring kumana ng bunker shot ang 2012 US Open runner-up si Thompson sa 3-feet mula sa par-4 16th.

Nagawa rin nitong bumuslo mula sa 15-foot (birdie) sa par-5 18th upang masiguro ang kanyang first tour triump sapol noong 2013 Honda Classic.

 “I don’t know what to say. This is so exciting,” ani Thompson na garalgal ang boses at napaiyak sa tuwa.

 ‘I played such good golf today. I stayed within myself. I played within myself. This means so much to me.”

“It has been a long time.”

“To know I have security for two more years, to get in all those tournaments, it’s just so exciting,” aniya

Tumira si Thompson ng 4-under par 67 sa final round at nagtapos sa 19-under 265. Sa kartadang ito niya nadaig si Adam Long kung saan lamang ang una ng two shots after 72 holes.

Ayon sa World No. 218 golfer, hindi niya makakapiling ang kanyang pamilya sa pagdiriwang sa kanyang pagkapanalo dahil sa Coronavirus pandemic.