Arestado ng mga awtoridad ang isang barangay chairman na isang church associate ng kontroberisyal na si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy, habang dalawa pa ang sumuko ngayong araw.
Nag-ugat ang pag-aresto at pagsuko matapos isilbi ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ang warrant na inilabas ng Davao court laban kay Quiboloy at sa limang iba pa na may kaugnayan sa child abuse at sexual abuse case.
Nasa ilalim na ng kustodiya ng NBI ang tatlong mga akusado na sina Cresente Canada, Paulene Canada at Sylvia Cemañes.
Nadakip ng NBI si Cresente sa Barangay Tamayong. Siya ang barangay chairman ng Tamayong kung saan nakabase ang KOJC.
Tinukoy ng mga dating miyembro ng KOJC si Cresente bilang malapit na aide ni Quiboloy, na nagsisilbing driver at bodyguard ng naturang pastor.
Sumuko naman sina Paulene at Cemañes sa mga awtoridad.
Ayon sa mga awtoridad patuloy nilang tinutugis sina Quiboloy at dalawang iba pa – Jackielyn Roy at Ingrid Canada.
Si Ingrid, ang church administrator ni Quoboloy, at Cresente ay magkapatid.
“Naniniwala ako na nasa Davao pa rin si Quiboloy,” ani ni Police-Southern Mindanao Director, Brigadier General Alden Delvo.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI