November 24, 2024

Jodi Sta. Maria, kinansela ang imbitasyon sa Birthday tribute ni Mr. M

GRABE naman ang ginawa nila sa inbitasyon para kay Jodi Sta Maria, niligwak ito at hindi pinarating kay Ms. Jodi.

Ang mismong organizer ang nagdesisyon na huwag ng padaluhin si Jodi, baka magkaroon lang ng intriga sina Jodi Sta. Maria at Claudine Barretto, dahil sangkot ang dalawa sa isyung kumalat noon tungkol kay Raymart Santiago.

Kung inyong matatandaan, si Claudine ang estranged wife noon ni Raymart, at si Jodi Sta. Maria naman ang tumatayong girlfriend ni Raymart.

Nagsalita noon si Claudine na, hindi raw magandang influence kay Raymart ang girlfriend nito. Kaya hindi na nila pinarating pa ang inbitasyon kay Jodi.

“Mas pinaburan daw ni Mr. Manahan ang original na anak-anakan niyang si Claudine Barretto, mas pinaburan daw ang presensiya nito kaya dinedma na lang si Jodi para walang isyung maganap.

“Hindi na lang pinansin ni Jodi Sta. Maria iyong pangdededma nila na makarating sa birthday celebration ni Mr. M., ang katwiran na lang ng kampo ni Jodi basta sila walang masamang ginawa sa relasyon ni Jodi kay Mr. M. [ Mr. Johnny Manahan ]

“Kung may sama sila ng loob o ayaw ni Claudine Barretto kay Jodi, hindi na lang iyon pinansin ni Jodi. Dahil ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang magpokus na lamang sa kanyang career, kaysa patulan pa ang mga isyu na magbibigay lang sa kanya ng stress,” pahayag pa ni Miss. Bubuwit na aking source.