Binan City, Laguna – Kalaboso na ngayon ang limang suspek na mga estapador/swindllers habang nakatakas ang isa pa nilang kasabwat na mga nagpapanggap na ahente na nagbebenta ng bahay at lupa makaraang mahulog sa inilatag na entrapment operation ng mga tauhan ng Binan Component City Police Station bandang alas-6:15 ng hapon noong Sabado March 9, 2024 sa isang fast food chain sa loob ng Pavillion Mall ng Barangay San Antonio ng nasabing lungsod.
Kinilala ang anim na suspek sa kanilang mga alyas na sina 1. Josephine, 2. Jean, 3. Eugene, 4. Melisa, 5. Armando at ang nakatakas na si 6. Anni, habang ang mga biktima ay ang mag asawang sina John Paul Mance at Jamie Anne Mance (buyer ng bahay) at Grace Dichoso Duller (tunay na may ari ng bahay) mga nasa hustong gulang.
Base sa ipinadalang report ng Binan City PNP sa opisina ni Calabarzon Police Regional Director P/Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, lumalabas sa imbestigasyon base narin sa reklamo ng mag asawang biktima na sina John Paul at Jamie Anne na inialok umano ng mga suspek sa kanila ang isang house and lot sa lugar ng Blk 42 Lot 2 ng Redwood Lane Evergreen County, Brgy. Platero ng kaparehong Lungsod na nakapangalan sa isang Melanie B. Morcozo, sa halagang Four Million Pesos (P4,000.000.) at pinalabas ng mga suspek na ang bahay at lupa na kanilang ibinebenta ay isang approved housing loan sa PAGIBIG
Humihingi umano sa mag asawang biktima ang mga suspek ng halagang P700,000 para di umano pambayad sa assume balance ng ibinebentang bahay at lupa subalit napag-alaman ng mga biktima na ito ay nadis-approved sa PAGIBIG noon pang January 4 ng taong ito makaraang hindi nagpakita sa isang video call interview at magsumite ng mga kinakailangan dokumento ang huwad na may ari na si Morcozo
Nalinlang din ng mga suspek ang tunay na may ari ng bahay at lupa na si Ginang Duller, makaraang mapapayag na ilipat sa pangalan ni Morcozo ang titulo ng bahay at lupa sa Registry of Deeds.
Dahil dito agad na nagsumbong ang mga biktima sa mga awtoridad at ipinaaresto ang mga suspek at narekober sa kanila ang limang piraso ng P1,000.00 bill (with dust powder) at ang mga ginamit na boodle marked money. Nakakulong na ngayon ang mga suspek sa Binan City Custodial and Holding Facility at nahaharap sa kasong Estafa at nakatakdang isailalim sa inquest proceedings. (KOI HIPOLITO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY