Tatlo ang nadagdag sa namatay dahil sa COVID-19 sa loob ng ilang araw araw, ayon sa City Health Office- City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ng Valenzuela.
Sa huling anunsyo ng CESU, hanggang alas-11:00 ng gabi ng Hulyo 25 ay 49 na ang namamatay sa lungsod dahil sa pandemya
Bago ito, hanggang alas 11:00 ng gabi ng Hulyo, 22, umabot na sa 46 ang naitatalang binawian ng buhay sa lungsod dahil sa naturang sakit.
Sa kabuuan 1,687 na ang dinapuan ng nasabing sakit sa lungsod, 1,040 ang nananatiling active cases, at 598 na ang gumagaling.
Magugunitang isinailalim sa 16-araw na lockdown Bagong Kaunlaran compound sa Barangay Paso De Blas, Valenzuela City mula Hulyo 25 matapos na halos 50% ng mga residente na nagpa-swab test ay nagpositibo sa COVID-19.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE