ISINUSULONG ng isang mambabatas sa Kamara na ipagbawal ang pagda-dub ng pelikulang English at television programs sa lengguwaheng Pilipino.
Naghain si Negros Occidental 3rd District Rep. Jose Francisco Benitez ng House Bill (HB) 9939 na naglalayong ipagbawal sa Pilipinas ang pagda-dub ng English motion pictures at maging ang mga television program sa Pilipino na tila nauuso sa kasalukuyan at tinatangkilik ng mga manonood maging ang mga millennial.
Paliwanag ni Benitez, ang English ay ikalawang lengguwahe sa bansa at malaki ang maitutulong sa pakikipag-komunikasyon sa maraming bahagi ng mundo kaya’t dapat higit pang pagbutihin ang kakayahan sa pagsasalita ng English ng mga Pilipino.
“We must therefore help younger generations acquire English in different settings, and through different media, to enable them to communicate better and explore new horizons, in terms of employment and social interaction,” saad ni Benitez.
Sa panukalang batas ni Benitez, pinahihintulutan naman ang subtitle na Pilipino sa mga English movies at programa pero dapat ay manatili pa rin ang titulo nitong English.
Ang mga TV commercial at programs na mapapanood mula ala-1 ng madaling araw hanggang alas-6 ng umaga sa standard time ng bansa ay libre o hindi saklaw sa nasabing mga pagbabawal.
Ang mga lalabag sakaling maisabatas ang panukala ay magmumulta mula P50,000-P100,000 at makukulong ng mula anim na buwan hanggang isang taon. Binibigyan naman ng kapangyarihan ang Movie and Television Review and Classification Board na huwag isama ang mga TV program kung makakasagabal ito sa mithiin ng ahensya.
More Stories
KRIMEN SA METRO MANILA BUMABA
FILIPINO LAWYER DADALO SA INAGURASYON NI TRUMP
60-ANYOS PINUGUTAN NG ANAK; LAMAN-LOOB TINANGGAL