Inanunsiyo ni FC Barcelona legend na si Xavi Hernandez, 40-anyos, na nagpositibo siya sa COVID-19. Isiniwalat ng dating football star ang kanyang kondisyon sa Instagram account.
Dinapuan ng Coronavirus ang footballer habang naghahanda sa restart ng season sa Qatar, na nasuspende noong March. Kaugnay sa kanyang kalagayan, sinabi ni Xavi na naka-self isolate siya.
“A few days ago, following the QSL protocol, I tested positive in the last COVID19 test. Luckily I am perfectly fine, but following the protocol,” aniya.
I will remain isolated until I have overcome it. When medical services allow me, I will be more involved in my daily routine and work than ever before.”
“A hug and see you soon on the football fields!”
Si Xavi ay markadong midfielder sa Spanish football at nakapaglaro sa Qatar based club na Al Sadd SC. Noong 2014, nagretiro si Xavi sa football pagkatapos ng kampanya sa 2014 FIFA World Cup.
Sa kabuuan, nagkaroon siya 133 appearance sa loob ng 14 taon ng kanyang football career. Kasalukuyan siyang coach ng Al Sadd SC sa Qatar.
More Stories
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo
Sen. JVE panauhin sa AFAD Arms Show ngayon sa SMX
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS