May 16, 2024

3M NA TALENT FEE NI VICE GANDA, TINANGGIHAN NA PINA-BLOCK PA

NAKAKALULA talaga ang ilusyon nitong si Vice Ganda, biruin ninyo siya na ang lumapit at nakipag-usap sa management ng TV5 para magkaroon siya ng show. Naloka ang buong opisyales at pati ang may ari ng TV5 na si Manny V. Pangillinan sa taas nang hinihingi nitong talent fee.

“Hayun isiniwalat na nila ang tunay na naging dahilan kung bakit pina-block ni Manny V. Pangillinan ang byuti ni Vice Ganda sa TV5. Grabe naman ang demand na iyan ni Vice, ibig sabihin per-month 3M ang tf niya. Kung tutuusin tsinugi na rin naman ng ABS-CBN ang kanyang show na ‘Gangdang Gabi Vice,’ pinalitan ito pero hindi na natuloy dahil nagsara na ang kanyang TV Network.

“Magkano lang ba siya sa Kapamilya Network? Kung hindi ako nagkakamali ay P500,000.00 lang siya. Kaya nga ang management ay na turn-off sa kanyang demand, at kaagad nilang ni reject ang nasabing demand ni Vice. Hindi talaga papatulan ito ng TV5, dahil hindi pa nga sila sure kung kikita sila dahil sa Pandemic na nararanasan ng lahat.” Nakakalungkot na balita ito, say pa ng aking source na hindi rin agree sa demand ni Vice Ganda.