NAGSAGAWA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng Kasalang Bayan para sa mga mag-asawang Navoteño.
May 51 long-term partners ang nagpakasal sa mass wedding na pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco at sinaksihan ni Cong. Toby Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez, at mga miyembro ng konseho ng lungsod.
Ang Kasalang Bayan, na regular na ginagawa sa Araw ng mga Puso at sa anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas, ay naglalayong gawing legal ang pagsasama ng mga mag-asawa na magkasamang naninirahan.
“Most of our newlyweds have been together for years and we are honored to help them finally realize their dream of making their union legal and complete,” ani Cong. Tiangco.
“We hope this ceremony will lead to stronger and healthier relationship between our couples. Patunayan po ninyo sa lahat na mayroon talagang forever,” dagdag niya.
Sina Reynaldo Gregorio, 59, at Rosario Avelino, 55, ang pinakamatandang mag-asawa sa mga bagong kasal. 41-taon na silang nagsasama at nabiyayaan ng anim na anak.
Samantala, tiniyak naman ni Mayor Tiangco sa mga bagong kasal na may mga serbisyo at programa ang pamahalaang lungsod para makatulong sa kanilang pamilya.
“We give priority to improving the status of Navoteño families. Well-functioning families make strong communities,” sabi ni Mayor John Rey.
“Importante po ang papel ninyo sa patuloy na pagtaas ng antas ng buhay sa ating lungsod. Nurture your children and guide them into becoming upstanding and productive members of our society,” dagdag niya.
More Stories
HAMON NI DUTERTE SA ICC INVESTIGATORS: BILISAN N’YO BAGO AKO MAMATAY
Reward money sa pulis, kinumpirma ni Digong
DUTERTE SASAMPALIN SI TRILLANES SA HARAP NG PUBLIKO (Nagkainitan sa House quad committee probe)