UMABOT na sa 107 ang binawian ng buhay sa COVID-19 sa lungsod ng Malabon kahapon, Hulyo 24, alas-10 ng gabi, matapos madagdagan ng 18 mula sa 89 namatay dahil sa nasabing sakit magmula noong Hulyo 21, ayon sa City Health Department.
Umakyat naman 1,471 kumpirmadong kaso sa lungsod kung saan 624 ang active cases.
Ang mga barangay na nagtala ng pinakamataas na active cases ay Potrero, 86; Longos, 58; at Tonsuya, 52.
Sa kabilang banda, 231 pasyente naman ang gumaling at sa kabuuan ay 740 na ang naka-recover.
Sa pamamagitan ng bagong Malabon Community Health Monitoring System, na bahagi ng “Trace, Test, Isolate, Treat” strategy ng lungsod, mas mabilis at accurate ang pagproseso ng mga datos na pumapasok mula sa 21 barangay health centers, Ospital ng Malabon, Pagamutang Bayan, at City Epidemiological and Surveillance Unit (CESU), na nakatutulong sa monitoring ng City Health Department.
Samantala,sa lungsod ng Navotas 22 ang naitalang gumaling, 17 ang nagpositibo at isang pasyente ang namatay sa COVID-19
Sa kabuuan, 1,382 na ang kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod habang 651 dito ang active cases, 646 ang gumaling na, 85 na ang namamatay hanggang base sa tala ng 8:30 ng gabi ng Hulyo 24.
“Limang araw na lang po, matatapos na ang ating lockdown. Pagkatapos ng July 29, sana po ay patuloy pa rin ang ating pag-iingat. Ang COVID-19 virus ay di nakikita. Ang COVID-19 virus ay nakamamatay. Kaya wag maging kampante, mag-ingat parati,” pahayag ni Mayor Toby Tiangco.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE