
PINANGUNAHAN ni Supremo Sen. Lito Lapid ang groundbreaking ng Convention Center sa Brgy. San Antonio, Guagua, Pampanga na may disenyo ng isang ‘star’ at ‘dome’ na sumisimbolo sa parol na pangunahing industriya sa lalawigan nitong nakaraang Huwebes.
Pwedeng maging venue ito sa malalaking sports events at concerts na makatutulong sa ekonomiya ng Guagua. Magsisilbi rin itong evacuation center kung kakailanganin.
May kapasidad ang convention center na 2,500 katao at nagkakahalaga ng P360 million.
Nakatuwang ni Supremo sa groundbreaking si TIEZA COO Mark Lapid at mga lokal na opisyal ng Guagua, Pampanga sa pangunguna nina Mayor Anthony Joseph ‘Tonton’ Songco Torres at Vice-Mayor Benjamin Lim Jr.
More Stories
“HINDI PA PINAL!” – Atty. Ian Sia, sumalag sa isyu ng disqualification
Pamilyang Villar, todo-suporta sa kandidatura nina Camille at Cynthia Villar sa Las Piñas motorcade
SUPREMO, TANGGOL NG BATANG QUIAPO, NANLIGAW SA MANILEÑO