Nakababahala mga Cabalen ang lalo pang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa. Habang tinitipa natin ang suplemento sa pitak na ito, umabot na sa mahigit 72,269 ang nagpositibo sa nasabing sakit.
Kaya naman, turan ng kinauukulan, ibabalik sa MECQ ang NCR kapag umabot aniya sa 85,000 ang kaso sa Hulyo 31. Teka, bakit nga ba tumataas pa ang kaso? Sa kabila nito mga Cabalen, ayos lang sa ating mga kababayan ang sitwasyon. Kasi nga, nasa ilalim tayo ng GCQ.
Napapansin ng ating mga kababayan, mga Cabalen kung bakit padagdag ang kaso sa halip na pabawas. Dito gagamit ng simpleng arithmetic. Sa datus ng website ng DOH, ang latest nationwide cases ay 72,269 plus as of July 23, 2020.
Ang active cases ay 46,803— 23,623 ang recovered at 1,843 ng nasawi. Ganito ngayon ang projection mga Cabalen. Pinagsama-sama ang mga bilang na ito papalo ito sa 72,269. Tapos, idinadagdag lang ang iba pang unconfirmed case. Di ba, malapit-lapit sa reyalidad.
Bakit hindi ibawas sa kabuuang bilang ng kaso ang naka-recovered at mga pumanaw? Bakit hindi ibawas ang 23,623 (plus yung bagong bilang ng gumaling) at 1,843. Lapag kinuwenta natin ito, aabot lang ang kaso sa 46,803. Kitam. Ang laki ng deperensiya.
Bakit hindi liwanagin ito ng DOH? Sa gayun ay hindi mag-alala ang ating mga kababayan. Na ang programa kontra COVID-19 ng pamahalaan ay matagumpay naman. Sana ay malaman din ito ng karamihan sa ating mga kababayan.
Kitang-kita naman na tugma ang ginawang computation ng concerned citizens natin mga Cabalen. Gayunman, ngayong nalaman natin ang totoo dito, nararapat pa rin tayong mag-ingat. Sumunod sa palatuntunan ng kinauukulan.
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA