PATULOY na nilalabanan ni Angelica Panganiban ang kanyang sakit na Avascular Necrosis. Ito iyong uri ng sakit na pansamantala o permanenteng nawawala ang supply ng dugo sa kanyang buto. Ito ay maaaring resulta ng pinsala sa paggamit ng mga gamot o alkohol. Alam naman ng lahat na mahilig uminom ng alak ang actress, baka doon niya nakuha ang kanyang sakit. Ang mga sintomas nito ay ang pananakit ng kasukasuan at limitadong saklaw ng paggalaw.
“Kumbaga, namatay ang hip bone ko. Nawalan na siya ng blood flow, hindi niya kayang gumaling on its own. Kailangan ng tulong, like ng operation, hip replacement, mga ganyan.
“Nu’ng naririnig ko ito, wait lang, magte-37 pa lang ako. Tapos ngayon pa lang natutupad ang mga pangarap ko sa buhay. Sabi ko, ‘Pero bakit naman medyo unfair? Gusto ko pang i-enjoy ang mga ibinibigay sa akin,” malungkot na pahayag ni Angelica Panganiban.
Kung may iba pang lunas, mas pinagaralan niya ang konserbatibong approach para kung kailangan ay magawan agad ng paraan.
“Para hindi muna tayo mapunta roon sa nakakatakot na surgery… Siguro, nu’ng nalaman ko lang ‘yun, narinig ko ‘yun, hindi strong enough ang mind ko para tanggapin ‘yung ganu’ng balita.
“So, nu’ng nakahanap naman kami ng conservative approach na ito nga, better naman, ‘yung procedure na ginawa sa akin is nilagyan ng stem cell ‘yung dead bones sa left and right hip.
“Yung progress niya is ‘yung right leg ko, better, less ‘yung pain. Though mayroon pa rin, kaya lang kasi, ang sabi naman ng doctor is mga nasa eight weeks bago ko maramdaman ‘yung ginhawa na inasam-asam ko na halos isang taon na. So hopefully ay magtuluy-tuloy,” lahad pa niya.
Ang inisip daw niya ay ang kanyang anak na si Amila Sabine, kaya pursigido siyang lumaban sa kanyang karamdaman.
“Talagang iniisip ko nu’n, paano niya ako mae-enjoy bilang nanay kung limited ‘yung mga puwede kong gawin? Kasi ang itinanong ko nga, what if hindi ako magpaopera?
“Ang sagot sa akin is disability, so mas ayaw natin ‘yun. So hanggang may solusyon, hanap lang nang hanap ng solusyon,” malungkot na kwento ni Angelica Panganiban.
More Stories
3 JAPANESE NA MAY ARREST WARRANT, IPINA-DEPORT NG BI
DOST-PCCI innovation hub magpapalakas sa enterprises’ growth
178 PUSLIT NA GAGAMBA NASABAT NG BOC-PORT OF CLARK