IBINUNYAG kamakailan lang ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Usec. Gilbert Cruz na mahigit sa 80 guro mula sa mga lalawigan tulad ng Bataan at Pampanga ang nabiktima ng car loan scam ng mga kriminal.
Dahil dito, agad nagsagawa ng aksyon ang PAOCC sa pamamagitan ng pagsasampa ng kasong kriminal laban sa 18 indibidwal na may pakana ng ganitong uri illegal na gawain, na karaniwang tinatarget ay mga guro sa buong bansa.
Sa Kapihan sa Manila Bay forum nitong Miyerkules (Disyembre 13) na ang host ay si Marichu Villanueva, binigyang-diin ni Usec. Cruz ang kalupitan ng sitwasyon, na malinaw ang nakakalungkot na sinapit ng mga nagsusumikap na mga guro para maloko sa car loan transactions.
Gayunpaman, ibinunyag ni Usec. Cruz na isang significant crackdown laban sa kriminal na aktibidades ang naging dahilan para maipa-deport ang 180 Chinese nationals. Ang mga nasabing indibidwal ay nadakip matapos ang isinagawang raid sa isang POGO building sa Pasay City, na hinihinalang sangkot sa sex trafficking at online scam operations.
Labis dinang pasasalamat ni Usec. Cruz sa Bureau of Immigration (BI) para sa mabilis na proseso upang mapauwi sa kanilang bansa ang mga dayuhang sangkot sa illegal na mga aktibidades.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE