Hindi apektado si Pinoy boxer Marlon Tapales sa banat ng mga kritiko na ito ay underdog sa nalalapit na laban niya kay Naoya Inoue ng Japan sa darating na Disyembre 26 sa Tokyo, Japan.
Sinabi nito na idinadaan na lamang niya sa matinding ensayo ang mga puna na kaniyang natatanggap.
Alam aniya nito ang kaniyang kapasidad na harapin ang Japanese boxer kaya pinaigitng nila ang kaniyang ensayo.
Sa ilalim ni American strength and conditioning coach Quincy Hatcher ay pinaigting nito ang ensayo sa lungsod ng Baguio.
Nakaharap na rin ng 31-anyos na tubong Lanao del Norte boxer sa kaniyang sparring ang ilang boxingero gaya nina Vincent Astrolbio, Pete Apolinar at Kevin Aseniero.
Mayroong 37 panalo, tatlong talo at 19 knockouts ang record ni Tapales na hawak ang WBA Super at IBF super bantamweight belts habang ang Japanese boxer ay wala pang talo sa 25 na laban nito. RON TOLENTINO
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY