Sa harap ng malakas na lindol na tumama sa Surigao del Sur noong Sabado ng gabi, nagbabala ang pinuno ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na kailangan nating mas maging handa sa “Big One” o ang nakakapinsalang lindol.
Hinimok ni Philvolcs Director Teresito Bacolcol ang publiko na paghandaan ang malalakas na lindol at idinagdag na kailangan palaging handa ang emergency bag na may lamang gamot at pagkain ng tatagal ng tatlong araw.
“We are more prepared now than, say, 20 or years ago,” saad ni Bacolcol.
Pinayuhan niya rin ang publiko na maging alerto at huwag mag-panic sakaling maramdaman ang malakas na pagyanig.
Sinabi rin ng Phivolcs na ito lamang ang dapat paniwalaan bilang opisyal na pagkukunan ng impormasyon tungkol sa lindol at iba pang kalamidad na nangyayari sa bansa.
“Never rely on posts on social media, which are often unreliable while some are fake news,” sabi pa nito.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY