November 24, 2024

SIKARAN PHILIPPINE MMA PERFORMERS PAKITANG- GILAS MULI SA NBA HALFTIME NG GSW

NGAYON na ang sandali ng katotohanan.

Muling sesentro ang atensiyon ng basketball fans sa Chase Arena at sa buong mundo sa kanilang matutunghayan muling pagpapakitang – gilas ng Sikaran Philippine Martial Arts  sa gamebreak ng laro ng tanyag sa mundong Golden State Warriors – ang  NBA Halftime Performers.

Ang Sikaran Philippine Martial Arts na  nasa timon ni Global Sikaran Federation founder/president Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag na nakabase na sa Delano, California sa Estados Unidos, ay inihanda sa marubdob na ensayo at preparasyon para sa makasaysayang sandali na isang  karangalan ng Pilipino sa USA at iba pang panig ng mundo.

 “Ito na ang ikalawang pagkakataon na makakapagpakitang- gilas ang mga  talentadong Pilipino sa larangan ng tradisyunal na sport na nagbuhat mismo sa Baras, Morong at Tanay sa lalawigan ng Rizal na aking sinilangan ,”pahayag ni Grandmaster Banaag.

”Asahan ninyo ang mas markado at innovative na performance ng ating Sikaran. Demo Team”, ani pa GM na nagpaabot din ng lubos na pasasalamat sa todo- suporta ni Delano Mayor Joe L. Alindajao gayundin sa agapay nina Master Crisanto Cuevas ng Raven Sikaran Martial Arts, GSF Master Emman Banaag, GSF Master Manuel Banaag at Master German Patino ng Pasig Sikaran Wildcat.

Nagpahatid din ng espesyal na pasasalamat si GM Osias kina Japan International Council for Traditional Sports and Games top brass Yuko Baba at journalist Tetsuya Tsuda na nag-ukol ng kanilang panahong bumisita sa Pilipinas upang saksihan ang tradisyunal na SIKARAN Festival sa Tanay Hane 2023 kamakailan lang bilang mga espesyal na panauhin.Tiniyak din nina Yuko st Tsuda na panonoorin ang performance ng mga Pinoy Sikaran sa NBA Halftime.