November 24, 2024

MGA BATANG PWD SA MAYNILA, MAKATATANGGAP NG BUWANANG AYUDA

Good news para sa mga batang may batang may anumang uri ng kapansanan.

Inanunsiyo kasi ni Mayor Honey Lacuna na malapit nang makatanggap ng buwanang tulong pinansiyal ang mga batang may kapansanan o PWDs.

“Sa pamamagitan ng City Ordinance 8991 naman ay makakasama na rin sa benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) para sa 500 pesos monthly allowance ang mga batang may kapansanan,” ayon kay Lacuna.

Pinasalamatan din ng alkalde ang Manila City Council sa pamumuno ng Presiding Officer at Vice Mayor Yul Servo gayundin sa mga konsehal ng Maynila para pagbigyan ang kanyang hiling na ipasa ang nasabing ordinansa nang walang pag-aalinlangan.

Nabatid na aabot sa 2,158 residenteng bata na may disabilities ang makakatatanggap ng benepisyo sa nasabing oridinasa sakaling maipatupad na ito.

“Makakaasa po kayo na ang inyong pamahalaang-lungsod ay patuloy na gumagawa ng paraan para paginhawain ang pamumuhay ng bawat pamilyang Manilenyo,” Lacuna assured the residents. (ARSENIO TAN)