November 19, 2024

AUBC sa Thailand… PUWERSANG PCU MANILA AT DASMA HANDA SA BAKBAKAN!

Ang PCU Dolphins na first runner up ng PUBL ’23

PINAGSAMANG puwersa ng Philippine Christian University ( PCU) Manila at Dasmarinas ang kakatawan sa Team Pilipinas para sa  lalahukang Asian Universities Basketball Championship( AUBC) na idaraos sa darating na Lunes  sa Bangkok , Thailand.

Nakuha ng PCU Dolphins ang karapatang sumabak sa prestihiyosong AUBC sa pagiging first runner-up ng koponan sa nakaraang Philippine Universities Basketball League( PUBL) na may basbas ng Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP).

Ayon kay head coach Oscar ‘Biboy’ Simon , ang PCU Manila  players ay binubuo nina:

JL Balvarin,

Dave Bagatnan,

Garret Garrucho,

Llyonel Failon,

Castor Troy Manipolo at

Solomon Itam kaagapay na coach si  Mark Edison Ordonez habang ang

PCU Dasmariñas naman ay kinabibilangan nina :

Joshua Diño,

Ram Mesqueriola,

Cj Morillo,

Alvin Reyes,

Datu Ali Adas at

Gaiel Escultor

na gigiyahan din nina deputy coaches

Juanito Belandrez  at

Michael Guzman

“Our Dolphins are ready to rumble in AUBC Thailand with a mission  to bring home the bacon.Laban lang!” pahayag ng dating PBA streakshooter na si Simon kasabay ng pagpaabot ng pasasalamat sa managementb sa kanilang lubos na suporta sa team sa pangunguna nina

(Admins):

Dr. Putli Martha Beata F. Ijiran at ISMAC Director

Mrs. Rosemarie Cinco.

Tutulak pa-Bangkok ang team PCU Dolphins sa Linggo at ang bakbakan ng mga batikang basketball team sa Asia ay lalarga sa Lunes. RON TOLENTINO