ARESTADO ang umano’y lider ng kulto na si Jey Rence Quilario o kilala bilang “Senior Aguila” at iba pang opisyales ng Socorro Bayanihan Service Inc. (SBSI) ngayong araw dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang illegal na aktibidades kasama ang pang-aabuso sa mga bata.
Sa ginanap na Senate inquiry bago ang pag-aresto, sinabi ni Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty, na naglabas ang Surigao del Norte regional trial court ng warrant of arrests laban sa 13 respondents.
Aniya, nahaharap ang mga ito sa 21 paglabag, kabilang ang nine counts ng qualified trafficking, eight counts ng child abuse at maagang pagpapakasal sa mga kabataan.
Sa testimonya sa Senate hearing, nabatid na ang mga bata sa SBSI ay pinupwersang ikasal sa matanda at iknukulong sa kwarto para magtalik. Kinumpirma ito ng isang 15-anyos na bata sa ginanap na hearing ngayong Martes.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na gagawin sa Maynila ang paglilitis upang hindi maapektuhan ang proseso nito.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA