NAGLIYAB ang Motor Tanker “Sea Horse” habang nakahimpil sa lugar ng Alpha Anchorage Area sa Batangas Port bandang 9:00 ng umaga nitong araw ng Linggo.
Ayon sa ipinadalang report ni Philippine Coast Guard-Batangas Station Commander Captain Jerome Jeciel nakatanggap sila ng tawag sa telepono galing ng Vessel Traffic Management System na mayroon nagaganap na sunog sa dagat na nasasakopan ng Batangas Anchorage Area.
Mabilis naman ang naging paglalatag ng search and rescue operation at kinakailangang tulong ang PCG na agad ipinadala ang tatlong tugboats na Motor Tug Great Lark , Motor Tug Sedar 7 at Motor Tug Sedar 8 para sa pag-apula at pagpatay sa sunog.
Dumating din sa lugar ng nasusunog na Motor Tanker ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang mga bumbero ng Bureau of Fire and Protection na nagsagawa ng fire combat operation sa ibabaw ng MT “Sea Horse” at idineklarang fireout ang sunog bandang 11:08 ng umaga.
Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng natagpuang bangkay na biktima sa nangyaring sunog at inabisohan na rin ng Marine Environmental Protection Group sa Batangas ang kumpanya ng Petron na maghanda ng mga oil spill boom kung sakaling magkaroon ng oil spill sa lugar na pinangyarihan ng sunog. (KOI HIPOLITO)
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI