NAGDESISYON ang House of Representatives panel na bigyan ng zero confidential funds ang civilian agencies ng pamahalaan tulad ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).
Ibinunyag ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo sa isang press briefing ngayong araw, na bukod sa OVP at DepEd, binigyan ng zero secret funds ang Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Agriculture.
Ipinatupad ang desisyong kalusin ang secret funds ng OVP, DepEd, DICT, DFA at DA ng small committee ng Kamara na inatasan na resolbahin ang individual amendments para sa panukalang 2024 budget, dagdag niya.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI