Isang Pinoy ang napaulat na dinukot at anim pa ang nawawala sa Israel, nang ideklara ng bansa ang ‘state of war’ matapos ang madugong pag-atake ng Hamas fighters sa ilang bayan sa nasabing bansa.
Base sa report ng Philippine Embassy sa Tel Aviv, isang babaeng Pinay ang nag-ulat sa kanila na kabilang ang kanyang asawa sa viral social media video ng isang lalaki na dinukot ng armadong indibdwal, karamihan ay dinala umano sa Gaza.
“Post urgently relayed this to the Israel military authorities. Post cannot independently verify his identity based on the video alone but considers the report of the wife as important. We are also working with community contacts on his case,” saad ng Department of Foreign Affairs.
Samantala anim pang Pinoy ang sinasabing nawawala dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa rin makontak ang kanilang mobile phone o social media accounts, ayon sa DFA.
“The Embassy is working non-stop with Israeli security authorities and community contacts to ascertain their condition. We continue to await feedback from them,” dagdag ng departamento.
Una nang napaulat na 22 Filipino na nawawala ang nasagip at inilipat sa ligtas na lugar.
Naglabas na rin ng travel advisory ang Philippine Embassy sa Israel, para irekomenda na ipagpaliban ang lahat ng biyahe mula Pilipinas patungo sa Israel dahil na rin sa banta ng seguridad doon.
Noong Sabado, nagsagawa ng malaking surprise attack ang Hamas laban sa Israel. Nangako si Isareli Prime Minister Benjamin Netanyahu na gaganti kasunod ng pag-atake ng Hamas sa ilang bayan sa Israel at base militar.
Mayroong 30,000 Pinoy sa Israel, ayon sa DFA. Una nang pinayuhan ng Department of Migrant Workers ang mga Filipino sa Israel na manatili at maghanap pansamanta ng ligtas na matutuluyan, alinsunod na rin sa instruction mula sa Israeli Homefront Command. Kinondena na rin ng Pilipinas ang madugong pag-atake sa Israel.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA