PATAY ang isang miyembro ng LGBTQ na kandidato bilang barangay kagawad matapos na pagsasaksakin ng isang binatilyong suspek, bandang alas-3:50 ng madaling araw kahapon sa Barangay San Felix, Victoria, Laguna.
Kinilala ang biktima na si Marvin Laluz, 29 anyos, dating Barangay SK Kagawad at kandidato ngayon bilang Barangay Councilor, habang kinilala naman ang suspek na si Jerome Peda na nasa hustong gulang.
Base sa salaysay ng mga nakasaksi sa mga imbestigador ng Victoria Municipal Police Station nakita umano nila ang biktima at ang suspek na kapwa lasing at pumasok sa bahay ng biktimang si Laluz, pasado alas dose ng hating gabi at narinig naman ng kapatid na babae ng biktima na sumisigaw ito at humihingi ng tulong subalit hindi umano niya ito pinansin at inakalang ito ay dala lamang kalasingan ng biktima.
Matapos ang kalahating oras ay mag-isang lumabas ng bahay ang suspek na si Peda at kumain pa umano ng almusal sa isang tindahan sa nasabing bayan.
Natagpuan naman ng kanyang bayaw si Laluz na tadtad ng saksak sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan at nakahandusay sa sahig malapit sa pintuan ng kanyang bahay.
Dead on arrival sa ospital ng Bay Medical Center ang biktima habang arestado naman sa isinagawang follow up operation ng mga awtoridad nitong gabi ng Sabado ang tiyuhin ng suspek na si Jerry Badiao sa Sitio Tanza Barangay Tubuan ng Pila, Laguna para sa kasong Obstruction of Justice matapos na itakas at itago nito ang kanyang pamangking suspek sakay ng isang motorsiklo na nakuhanan ng CCTV at hindi naman inabutan ang suspek.
Nagpapatuloy ang ginagawang follow up at manhunt operation sa nakatakas na suspek para panagutin sa pamamaslang sa biktima at nahaharap ito sa kasong Murder. (KOI HIPOLITO)
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI