BUMUO ng task force ang Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na siyang tututok sa sitwasyon ng mga Filipino sa Israel matapos ang surprise attacj ng Hamas dahilan para ideklara ang “state of war alert” sa kanilang bansa ngayong araw.
“We have formed a 24/7 DMW-OWWA Task Force Israel with Hotline 1348, to monitor the situation of dear Kababayans in the southern and central areas affected by the current Hamas-IDF Conflict,” ayon sa DMW.
Ayon sa ahensiya, mahigpit na nakikipag-koordinasyon ang task force sa Department of Foreign Affairs at Philippine embassy sa Israel.
Sinabi rin DMW, iniulat na rin ng Filipino community leaders sa Israel na kikontak na rin nila ang kanilang miyembro at wala pa naman silang natatanggap na masamang ulat.
“They report that they remain calm and are accounted for. FilCom leaders remain in contact with the Philippine embassy and MWO,” ayon sa DMW.
Sinabi rin ng ahensiya na may OFW na humingi sa kanila ng tulong kaya kumontak na ang DMW sa concerned OFW.
“She is safe and sound,” ayon sa DMW.
Samantala, patuloy na inaalam ng Philippine embassy sa Tel Aviv ang hindi pa kumpirmadong report kaugnay sa pagdukot ng Hamas sa Filipino at Thai workers.
The Philippine Embassy in Tel Aviv has received these unconfirmed reports. We are still verifying them,” ayon sa embassy. “As for the Filipino student under the Agrostudies program in Israel, the person in charge said they have received no reports of kidnapping so far. All are accounted for,” dagdag ng embahada.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI