NASUNOG ang isang residential area sa Quezon City kaninang umaga. Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), pasado alas-7:00 ng umaga nang nang magsimula ang sunog sa Block 2-B, Kaingin 1, sa Brgy. Pansol, Quezon City.
Itinaas ang first alarm ang nasabing sunog at nahirapan ang mga bumbero na maapula ang apoy dahil sa masikip na daanan sa nasunog na lugar.
Tumulong rin ang mga residente na nag-igib at nagsaboy ng timba-timbang tubig.
Bandang alas-8:43 ng umaga nang tuluyang naapula ang sunog at naideklarang fire out.
Sa inisyal namang tala ng BFP, may apat na bahay ang nadamay sa sunog at mayroon ding inisyal na 19 na pamilyang apektado,Patuloy naman ang imbestigasyon sa dahilan ng sunog.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA