PINATUTUKAN ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang Subic na nagiging gateway ng mga smuggler, matapos madiskubre ng mga awtoridad ang 530 kilo ng shabu sa isang warehouse sa Pampanga noong Miyerkules ng gabi.
“We have to watch Subic. Subic din ang na-pinpoint namin na source ng agricultural smuggling,” saad niya.
Sa mga larawang ipinadala ni Justice spokesperson Mico Clavano sa media, natagpuan ng mga awtoridad ang ilang box, kabilang ang ilang mga plastic na may lamang chicharon. Nang i-scan, nagpositibo ito sa methamphetamine hydrochloride o mas kilala bilang shabu.
Ayon sa Justice chief, isinasagawa ng “very sophisticated” manner ang smuggling operation.
Mayroon na ring listahan ang National Bureau of Investigation ng mga indibidwal na aarestuhin.
Natitiyak ni Remulla na foreign nationals ang nasa likod ng illegal na operasyon. “Thailand is one of the sources. The markings of the packaging have Thai marking, sinama sa (included in) chicharon at dog feed. We don’t know if this was used to hide the smell of drugs,” saad ni Remulla.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI