IPINAG-UTOS ng Senado na ikulong ang presidente at tatlong pang mataas na opisyal ng Socorro Bayanihan Services, Inc. (SBSI).
Ang SBSI ay itinuturing na samahan ng mga kulto na inakusahan ng trafficking, kidnapping, practicing child marriage at sexually abusing children na nag-umpisa noong 2019.
Sa joint committee inquiry sa SBSI ng Public Order and Dangerous Drugs; at Women, Children, Family Relations, and Gender Equality panels, tinanong ni Sen. Risa Hontiveros si SBSI leaders Jey Rence “Senior Agila” Quilario at Mamero Galanida kung nakaugalian na ba ang child marriage sa naturang samahan.
Tinukoy ng senadora ang isang dokumento na may kaugnayan sa SBSI na may titulong “Family Planning Certificate” na nakasaad na isang 15-anyos na babae ang ikinasal sa isang adult na lalaki.
Itinanggi nila ang naturang akusasyon.
“As far as I know, I do not know anything na mayroong ganyan na nangyayari sa Kapihan…sa alam ko lang,” saad ni Galinda.
“Ang impormasyon po natin ay may dalawa apo kayong na kinasal din sa minor sa Kapihan. Kasama po ito sa dinedeny ninyo?” segundong tanong ni Sen. Hontiveros.
“Ang masasabi ko po, walang kasalan tulad ng sinabi ni Janeth [Ajoc]. Meron namang mga bata, tulad sa kanya, na hindi mapigilan natin. May pre-marital engagement na sila,” sagot naman ni Galinda.
Una nang kinumpirma ni Galanida sa CNN Philippines na nakaugalian na sa grupo ang “maagang pag-aasawa” subalit itinanggi ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata.
Hindi naman kumbinsido si Hontiveros sa kanilang sagot, kaya nagmosyon ito na ma-cite in contempt si Quilario, Galanida, Ajoc at Karren Sanico Jr., matatas na lider ng organisasyon.
Walang miyembro ng komite ang tumutol sa mosyon ni Hontiveros at inatasan Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, ang chairman ng komite, ang Office of Senate Sergeant at Arms (OSAA) na isailalim sila sa kustodiya ng Senado pagkatapos ng pagdinig.
Una nang sinabi ng Department of Justice na nahaharap sa reklamo ang apat na nakakulong na SBSI leaders at 9 na iba pa dahil sa pang-aauso sa libo-libong mga bata.
Inakusahan din ang religious cult na nag-o-operate ng drug laboratory na guwardiyado ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga dating pulis.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI