INANUNSIYO ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, ang Chaírman ng 2023 Bar Examination na tuloy ang huling araw ng pagsusulit bukas, Setyembre 24.
Gayunman dahil sa nararanasang polusyon dulot ng volcanic smog, naglatag ng pag-iingat o health guidelines ang Korte Suprema sa mga kukuha ng examination partikular sa mga local testing centers (LTCs) sa National Capital Region.
Kabilang sa mga panuntunan ang pagsusuot N95 o kung wala ay KN95 sa buong araw ng pagsusulit, maliban na lang kung kakain at iinom ng tubig.
Manatili lamang sa loob ng testing venue, magdala ng maiinom na tubig, magsuot ng personal air-purifying device na isasabit o isusuot sa leeg.
Mahigpit ang tagubilin ng Mahistrado na ang naturang device ay hindi gagamitan ng Bluetooth, Wi-Fi, NFC, o katulad nadata-sharing
technology, walang ilaw, tunog o anumang feature na makakaistorbo sa mga examinee. iiwan din ang mga charger, extra batteries at iba pang aksesorya ng nasabing device.
Ang mga may asthma o may isyu sa baga o respiratory tract issues, ay pinagdadala ng emergency medicines, eye drops o eye wash,
and/or medical devices for good measure.
Ngunit tinitiyak ng Mahistrado na may nakaantabay na medical teams sa LTCs na tutugon sa pangangailangan ng mga bar personnel at mga examinee.
Dinagdag din ng Mahistrado na mahigpit na paiiralin ang ‘no salubong policy’
at bawal kumalat ang mga kaibigan, classmates o well-wishers ng mga examinee sa bisinidad ng pinagdarausan ng bar exam.
Hinikayat ni Justice Hernando ang mga examinee na maging focus lang sa kanilang eksaminasyon at kalusugan.
Panghuli, pinaalalahanan ng Mahistrado ang lahat ng examinee na huwag makinig sa maling balita at tumutok lamang sa mga advisory ng Korte Suprema.
More Stories
LGUs, TV stations, Simbahang Katoliko pinagkakatiwalaang sektor sa ‘Pinas
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)