ISINUGOD sa Rural Health Unit (RHU) ang 58 estudyante mula sa Tuy, Batangas matapos makalanghap ng mapanganib na volcanic smog mula sa bulkang Taal.
Ayon sa Phivolcs, ang volcanic smog o vog ay binubuo ng sulfur dioxide (SO2) gas at ibang volcanic gases, na humahalo sa atmospheric oxygen, moisture, alikabok, at sikat ng araw.
Namahagi ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Tuy pero ilang sa mga estudyante ang nagreklamo dahil sa nahirapang huminga at pananakit ng dibdib.
“Binigyan po namin ng mga facemask yung schools. Nagkataon po na pagpunta namin sa Tuy Senior High School, may mga estudyante na’ng masama ang pakiramdam,” ayon kay MDRRMO officer-in-charge Jackie de Taza.
Aniya, dinala sa RHU ang 45 estudyante nitong hapon.
Pero nang kinagabihan ay umabot na sa 57 ang bilang ng katao na nagkasakit matapos malanghap ng polusyon sa hangin.
Nadagdag din sa listahan ang mga estudyante mula Jose Lopez Manzano National High School.
Ayon kay De Taza, nakarekober kaagad ang karamihan sa biktima, maliban sa isa na na-admit sa Apacible Memorial District Hospital.
Idinadagdag pa niya na isa sa mga estudyante mula sa isang pribadong ospital ang nagkasakit matapos madale ng smog sa ospital.
“Sa record po namin sa RHU ay 57. Kung isasama po yung isang student, bale magiging 58 po,” ayon kay De Taza.
Sinabi rin niya na nasa maayos na ngayon na kalagayan ang private student at nakatakdang ilabas sa ospital.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY