KALABOSO ang dalawang pulis at ang isang sibilyan na kasabwat nila sa pangongolekta ng “payola” sa mga transport groups matapos na malaglag sa kamay ng mga operatiba ng Regional Field Unit ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-RFU) na nagsagawa ng entrapment operations laban sa mga suspek sa Bacoor, Cavite
Kinilala ang mga nadakip na pulis na sina Police Staff Master Sargeant Joselito Bugay, Police Staff Sargeant Dave Gregor Bautista na parehong naka-assigned sa Provincial Administrative and Resource Management Unit- PHAS ng Cavite Provincial Police Office, habang nakilala naman ang sibilyan na kanilang kasabwat na si John Louie De Leon na tumatayong collector ng grupo.
Samantalang, pinaghahanap naman ngayon ang nakatakas na si Edralin Gawaran, hepe ng Bacoor Traffic Management Department.
Nabatid na bandang alas-11:30 ng umaga noong Martes nang madakip ang mga suspek sa Fil Oil at PTT gasoline station sa Molino Road corner Molino Blvd. sa Bacoor, Cavite.
Base sa report ni CIDG Director Major General Romeo Caramat kay PNP Chief General Benjamin Acorda Jr., nag-ugat ang nasabing operasyon laban sa mga suspek matapos na mag-viral sa social media ang ginagawang talamak na pangongotong sa mga transport groups sa Bacoor City ng ilang mga pulis at dahil na rin sa reklamo ng hindi na pinangalanan na complainant.
Ayon pa sa nagreklamo na nagbibigay umano sila ng P135,000.00 sa mga pulis tuwing a-kinse at katapusan ng buwan maliban pa sa hinihinge na pagkain galing ng fast food chain na nagsimula pa nuon buwan ng Pebrero ng taon ito. Subalit itinaas umano ni Sarhento Bugay sa halagang P170,000.00 at kung hindi umano sila makakapagbigay ay kukunin at papalitan umano sila ng mga bagong miyembro sa kanilang terminal.
Narekober mula sa posisyon ng mga naarestong suspek ang mga sumusunod;
1. Two (2) pieces of 1000 bill marked/entrapment money with SNs FC417240 and CN677886;
2. One (1) unit of M16 with serial no. RVD 1000301;
3. One (1) unit of Glock 17 pistol with serial no. PNP66864;
4. One (1) unit of Glock 30 Gen. cal. 45 with serial no. AECL752;
5. Three (3) pcs. Magazine for Glock 17 pistol;
6. Four (4) pcs. Of Magazine for Glock Gen 4 cal. 45 pistol;
7. Forty-seven (47) live ammos for 9mm;
8. Forty-Four (44) pcs. Live ammos for CR 45;
9. Three (3) pcs. Of Magazines for M16A4;
10. Sixty-seven (67) pcs. Live ammos for 5.56cal; and
11. Four (4) pcs of assorted cellular phones.
Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Robbery (Extortion), Violations of Republic Act 10591 at BP 881 (Ominbus Election Code of the Philippines.)
Possible rin masibak sa pwesto ang hepe ng Bacoor City Police Station ayon kay PNP Chief General Acorda. KOI HIPOLITO
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON