Nanguna ang Pilipinas sa buong mundo pagdating sa digital illiteracy at pangalawa naman pagdating sa online sexual exploitation of children.
Sa ginanap na deliberasyon ng Senate panel sa panukalang 2024 budget ng Department of Information and Communications Technology (DICT), tinanong ng mga senador ang mga executive ng ahensiya kung totoo ang ulat na No.1 ang Pilipinas sa digital illiteracy.
“It is an accurate report from the United Nations (UN), but let me qualify that the last time that they asked for that report was [in] 2019,” sagot ni DICT Undersecretary for Connectivity, Cybersecurity, and Upskilling Jeffrey Ian Dy.
Gayunpaman, sinabi ni Dy na ang data ay “ina-update” na ngayon at siya ay “kumpiyansa” na ang bansa ay tumaas ng intermediate o average literacy sa information and communications technology (ICT). “Many Filipinos know how to use mobile phones, know how to use TikTok or Facebook, but they cannot navigate an operating system,” wika ni Dy.
Sa naturang ding pagdinig, ibinunyag ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), attached agency ng DICT, na No. 2 ang Pilipinas sa online sexual abuse of children.
More Stories
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY
PAGSISIKAP NG MARCOS ADMIN SA DIGITAL LITERACY NG MGA MATANDA, WELCOME KAY TIANGCO
Pagpapasinaya sa multipurpose buildings