PAPATAWAN ng P1 milyong multa ang mga retailer na lalabag sa ipinataw ng gobyerno na retail price caps sa bigas, ayon sa opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI).
Sa Saturday News Forum sa Quezon City, sinabi ni Trade Assistant Secretary Agaton Uvero na simula sa Setyembre 5 ay uumpisahan na ng DTI, Department of Agriculture (DA) at local government units (LGUs) ang pagmonitor sa retail prices ng regular at well-milled rice sa mga pamilihan sa pangunahing mga siyudad.
Ayon sa Executive Order No. 39, hindi lalagpas sa P41 ang presyo kada kilo ng regular milled na bigas at P45 naman kada kilo ng well-milled rice, na epektibo sa Setyembre 5.
Inaprubhanan ang EO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kasalukuyan ding nakaupo bilang Kalihim ng DA, matapos sumirit ang presyo ng bigas sa mga lokal na pamilihan sa halagang P45 hanggang sa P70 per kilo.
Nagbabala si Uvero sa mga lalabag sa price caps ay maaring maharap sa administribong kaso na may multa ng higit sa P1 milyon.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!